Duties of the Sons of the People

    The Dekalogo ng Katipunan (1896) by Andres Bonifacio is a set of moral and patriotic principles that guided members of the revolutionary society in their fight for Philippine independence. It reflects core Filipino values such as love of country, self-sacrifice, and communal responsibility, and remains a symbol of the nation's enduring spirit and struggle for freedom.

    Transcript
    Read the Dekalogo ng Katipunan in both Tagalog and English

    Recording ng LibriVox ito, nasa public domain ang lahat ng mga recording ng LibriVox. Para sa karagdagang impormasyon para magboluntaryo, mangyaring bisitahin ang librivox.org. Katungkulang gagawin ng mga anak ng bayan, Dekalagong sinulat ni Andres Bonifacio, salin mula sa wikang Castila ni Hermenegildo Cruz.

    Una, ibigin mong Dios ng buong puso.

    Pangalawa, pakatandang lagi ng tunay na pagibig sa Dios ay siya ring pagibig sa Tinubuan at iyan din ng pagibig sa kapwa.

    Pangatlo, itanim sa iyong puso na, ang tunay na kahalagahan ng puri't kaginhawahan ay ang ikaw'ymamatay, dahil sa ikaliligtas ng Inang-Bayan.

    Pangapat, lahat ng iyong mabuting hangad ay magwawagi kapag ikaw'y may hinahon, tiyaga, katwiran at pag-asasa iyong inaasal at ginagawa.

    Panlima, pagingatan mo, kapara ngpagiingat sa sariling puri, ang mga pasya at adhikain ng K.K.K.

    Panganim, katongkulan ng lahat na, ang nabibingit sa malaking kapahamakan sa pagtupad ng kanyang tungkulin ay iligtas sukdang ikapariwara ng sariling buhay at kayamanan.

    Ikapito, ang kaugalian natin sa ating sarili at sa pagtupad ng ating tungkol ay siyang kukunang halimbawa ng ating kapwa.

    Pangwalo, bahaginan mo ng iyong makakayanan ang sino mang mahirap at kapus-palad.

    Pangsiyam ang sipag sa paggawa na iyong ikabubuhay ay siyang tunay na sanhi ng pagibig pagmamahal sa sarili sa iyong asawa't mga anak, sa iyong kapatid at mga kababayan.

    Pansampu, parusahan ang sinomang masamang tao't taksil at purihin ang mabubuting gawa. Dapat mong paniwalaan na ang tinutungo ng K.K.K. ay mga biyaya ng Dios. Na anopa't ang mga ninasa ng Inang-Bayan, ay mga nasain din ng Dios.

    Wakas ng Dekalogo ni Andres Bonifacio.